Lagi kong naiisip yan. Sana naging lalaki na lang ako…
Kasi kung naging lalaki ako, hindi ko na problema yung mahaba kong buhok. Rebond dito, kulot doon. Nag-ipit kapag mainit o magpatuyo ng buhok sa electric fan. ANG SAYA LANG.
Kung lalaki ako, hindi na ako mahihirapan magpaalam kung saan saan. GALA everywhere. Sobra kasing protective ang magulang kapag babae ang anak nila. Bawal gabihin. Bawal may kasamang boys. Bawal malayo.
Hindi ko na kailangan maglinis ng BAHAY! Most favorite part! Lagi akong nasasaway, kababae mong tao hindi ka marunong ng gawaing bahay! Linis dito, linis doon. Lagi nila sinasabi hindi daw ako makakapag-asawa kapag ganyan.